Pag-dissolve ng Negros Island Region umani ng iba’t ibang sentimiento

Negros Island Region – Umani ng iba’t ibang sentimiento mula sa mga taga Negros Occidental at Oriental Negros ang pag-dissolve ng presidente sa Executive Order 138 o creation ng Negros Island Region.

Ayon kay Negros Occidental Vice Gov. Eugenio “Bong” Lacson na ang pagdissolve ng NIR ay isang klarong palantadaan na hindi priority ng pangulo ang Negros Island Region.

Ngunit, nananawagan pa rin ang bise gobernador sa mga mamamayan ng isla ng Negros na ipagpatuloy ang mabuting relasyon sa pagitan ng Occidental at Oriental Negros.


Para naman kay Senior Board Member Salvador Escalante ang pagrevoke ng pangulo sa EO 138 ni dating anay President Noynoy Aquino ay klarong pamolitika.

Samantala, inihayag naman ni PDP Laban-NIR Secretary General Yvez Acol na nirerespeto nila ang desisyon ng presidente kahit na hindi maliwanagkung ano ang susunod na mangyayari.

Sa Bacolod City, si Vice Mayor Elcid Familiaran ay naniniwala naman na walang pamolitika sa pagrevoke ng NIR kung saan naging priority lamang ng kasalukuyang administrasyon ang free tertiary education program kesa sa Negros Island Region.

Facebook Comments