Hinimok ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles ang mga Local Government Unit na bilisan ang pag-e-encode ng mga nabakunahan na sa verification database system ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Nograles, nagawa na ng DICT ang Vaccine Information Management System (VIMS) para sa beripikasyon ng status ng mga indibidwal na nabakunahan na ng COVID-19.
Bukod sa DICT, nakatutok na rin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-e-encode ng mga nabakunahan sa database upang maiwasan na magkaroon ng backlog.
Sinabi ni Nograles na kapag maayos na ang central database, madali na sa mga LGU ang pagberipika ng vaccination status ng mga indibidwal.
Nabatid na ang nasabing sistema ay gagamitin ng pamahalaan para sa paglalakbay sa loob at labas ng bansa para sa mga fully vaccinated individuals.