Ang pagtuturo sa mga tao tungkol sa kapayapaan at kaayusan ay bahagi ng pakikibaka, ito ang inihayag ni G. Abs Paguimanan, 109th Base Command Deputy Commander ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa isinagawang Bangsamoro Symposium na inorganisa ng MILF Damakling Political Committee, binigyang diin ni Paguimanan ang pangangailangan na mamintina ang kapayapaan na nagsisimula sa bawat isa.
Ang paggawa ng magagandang bagay at ang pag-iwas sa mga maling gawain ay isang paraan ng pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad dagdag pa ni Paguimanan.
Ang MILF ay sumasang-ayon na tulungan ang gobyerno na seguruhin, palaganapin at panatilihin ang peace and order sa mga komunidad na maselan sa iba’t-ibang anyo ng suliraning panlipunan.
Pag-educate sa mamamayan hinggil sa kapayapaan at kaayusan, bahagi pa rin umano ng pakikibaka!
Facebook Comments