Inamin ni Vice President Leni Robredo na nabuo ang desisyon niyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election dahil sa pag-endorso ng 1Sambayan Coalition.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, inamin ni Robredo na noong una ay hindi muna niya plano na tumakbo sa halalan dahil umaasa siya sa unity talk ng mga kandidato ng oposisyon.
Pero dahil hindi nagbunga ang unification efforts at wala ring kandidatong may prinsipyong maaari niyang suportahan ay nagdesisyon na siyang tumakbo.
Ngayong linggo nakatakdang ianunsyo ni Robredo ang kumpletong listahan ng kanilang pambato sa pagka-senador sa 2022 elections.
Facebook Comments