Pag-endorso ng PDP-Laban kay Rep. Velasco, hindi dumaan sa konsultasyon

Manila, Philippines – Iginagalang ni Leyte Representative Martin Romualdez ang pag-endorso ng pdp-laban kay Marinduque Representative Lord Alan Velasco bilang house speaker sa 18th Congress.

Pero bilang kandidato rin sa naturang posisyon, hindi ito makakaapekto sa kanyang mithiin.

Aniya, hindi siya uurong sa laban.


Para naman kay Albay Congressman Joey Salceda – nadismaya siya sa endorsement ng kanilang partido dahil hindi sila kinonsulta hinggil dito.

Hindi rin makatarungang paparusahan ng PDP-Laban ang mga miyembro nitong hindi susunod.

Nilinaw naman ni Anakalugusan Party-list Congressman Mike Defensor na miyembro ng party-list coalition na hindi nila napagkasunduan sa grupo ang pagpirma ng kanilang pinuno na Representative Mikee Romero sa isang manifesto na sumusuporta kay Velasco.

Samantala, nagpasalamat naman si Velasco at nangakong magiging kongresistang marunong kumonsulta at makinig sa lahat ng mga kasama.

Facebook Comments