Pag-enrol sa Philhealth ng mga casual workers sa mga paaralan, pinagmamadali

Pinatutulungan ni 1-Ang Edukasyon Party-List Representative Salvador Belaro sa gobyerno ang mga casual workers sa mga pampublikong paaralan na ma-enroll sa Philhealth.

Kabilang sa mga casual workers ang mga janitor, utility personnel, volunteer teachers at security guards sa mga eskuwelahan na hindi regular sa trabaho kaya wala silang health care benefits.

Partikular na pinakikilos dito ang Department of Education (DEPED) para matulungan ang mga casual workers na nagtatrabaho sa paaralan.


Dahil otomatiko na silang sakop ng Philhealth sa ilalim ng bagong batas na Universal Health Care Law, kailangan na silang irehistro sa tulong ng DEPED, student councils o parent teacher association.

Giit pa ng kongresista, maraming casual employees ang nagsisilbi na sa loob ng ilang taon ngunit wala pa ring tinatanggap na benepisyong pangkalusugan at disenteng sahod kaya malaking tulong ang UHC Law.

Facebook Comments