MANILA – Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-extend ng pagtatalaga ng PNP Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prison (NBP) ng dagdag na tatlong buwan.Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos, hihintayin muna nila ang sulat mula sa Department of Justice (DOJ) at kanilang pag-aaralan ang nasabing mungkahi o proposal.Tiniyak ni Carlos na ibibigay nila ang lahat ng posibleng tulong para sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.Sa ngayon ay nasa mahigit 400 na mga saf troopers ang nagbabantay sa loob ng NBP.Habang isinailalim naman sa re-training ang nasa 200 NBP employees.Una ng sinabi ni Aguirre sa pagdinig ng House of Representative na hihilingin niya kay PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa na i-extend ang pananatili ng SAF sa NBP ng tatlo pang buwan.Aminado si Aguirre na simula nang mag-take over ang SAF ay maraming mga pagbabago na ang kanilang ipinatupad sa loob ng national penitentiary.
Pag-Extend Ng Mga Tauhan Ng Saf Sa Bilibid, Pinag-Aaralan Pa
Facebook Comments