PAG-EXTEND PA SA DALAWANG TAON, HILING NG MGA PUV GROUPS PARA SA MODERNISASYON

Isa o dalawang taon pang extension ang sigaw ngayon ng ilan transport group sa Pangasinan.
Ito ang sigaw at panawagan pa ngayon ng grupong Alliance of Transportation Organization sa gobyerno na bigyan pa sila ng panahon upang tuluyan ng makapag-avail ng mga bagong sasakyan para sa publiko.
Ayon kay Bernard Tuliao Ang Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, suportado naman ng kanilang grupo ngunit sadyang kulang pa umano sila sa oras dahil kung ipapatupad na ang pag-aalis sa mga tradisyunal na sasakyan, maapektuhan ngayon ang ikinabubuhay ng mga drivers at operators.
Ayon pa sa kanya, ay kailangan umano nila ng malaking pondo para makabili ng bagong sasakyan na angkop sa modernisasyon.
Sa ngayon, mayroong 1,200 na tradisyunal na jeep sa Pangasinan Ang nakatakdang i-phaseout para sa modernisasyon kung magtuloy-tuloy na ito.
Dagdag pa nito, patuloy umano nilang minomonitor Ang mga sasakyan na jeep kung ito ba ay nasa tamang kondisyon at upang masiguro na ligtas at roadworthy ito para sa publiko.
Facebook Comments