Pag-feature sa buhay ng mga kandidato sa telebisyon, hindi pa sakop ng Fair Elections Act

Manila, Philippines – Malaya pa ang mga kandidato na magpa-feature ng kanilang talambuhay sa mga telebisyon.

Ito ang nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez kasunod ng pag-feature sa telebisyon ng buhay ng ilang senatoriable.

Ayon kay Jimenez, hindi pa ito maituturing na paglabag sa RA 9006 o Fair Elections Act dahil hindi pa naman nagsisimula ang campaign period.


Sa February 13 pa magsisimula ang campaign period sa mga kandidato sa national positions.

Facebook Comments