Pag-flatten o pagbaba ng COVID-19 curve, naabot na ng Pilipinas ayon sa isang eksperto

Naabot na ng Pilipinas ang pag-flatten o pagbaba ng COVID-19 curve.

Ayon kay UP Professor at OCTA Research Team Fellow Guido David, ito ay matapos makapagtala na lang ng 0.94 hanggang 0.99 na reproductive number ang bansa sa COVID-19.

Pero aniya, bagama’t mababa na lang ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na mga araw, hindi pa rin dapat makampante ang publiko dahil malaki ang tiyansang bumalik ito sa dati.


Samantala… mababa na lang sa 1 ang production number ng COVID-19 sa bansa habang mababa na rin ang positivity rate na indikasyon na bumababa na ang mga bagong kaso ng sakit.

Facebook Comments