Isusunod na rin ng Department of Justice (DOJ) ang pagproseso sa pag-freeze ng assets ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, tatalakayin na ito sa susunod na pagpupulong ng Anti-Terrorism Council.
Kasabay nito ang pagdedeklara kay Teves bilang terorista.
Sinabi ni Remulla na kabilang sa assets na pipigilin ng gobyerno ay mga ginagamit ng mambabatas sa pag-cover up sa kanyang mga kaso gayundin sa panunuhol at sa pag-iwas nitong humarap sa mga responsabilidad.
Una nang tinembrehan ng pamahalaan ang Timor-Leste na nasa proseso na ang pagdedeklara kay Teves bilang terorista kaya binasura ng nasabing bansa ang aplikasyon nito para sa political asylum.
Facebook Comments