Pag-galang ng bawat ASEAN member Country sa kalayaan ng isat-isa isinulong ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng ASEAN member Countries na dapat ay umiral ang pag-galang sa bawat nasyon sa rehiyon.
ito ang isa sa sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang opening statement sa ASEAN Leaders Summit na ginaganap ngayon sa PICC sa Pasay City.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalaga ang mutual respect ng bawat Nasyon sa kalayaan, sovereignty, equality, teritorial integrity,national identity at hindi pakikialam ng mga bansa sa iba pang bansa.
kaugnay niyan ay binigyang diin din ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mutual respect dahil magkakaroon ito ng magandang bunga sa bawat relasyon.
Kailangan din aniyang igalang ng Estados Unidos ng Amerika at European Union ang ASEAN internal affairs at hindi ito dapat manghihimasok.

Facebook Comments