Pag-gunita ng undas nanatiling payapa ayon sa PNP

Payapa pa rin ang buong bansa kaugnay sa paggunita ng Undas.

Ito ang security assessment ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac nanatili ang peace and order nationwide kasabay ng pag-gunita ng all Saints day ng mga katoliko.


Sinabi na Banac nag-papatuloy ang pag-dagsa ng tao sa mga  sementeryo kaya naman mahigpit na nakabantay ang mga pulis.

Matatandaang una nang nag-deploy ang PNP ng 35,000 mga pulis para mag-bantay sa mga matataong lugar ngayong Undas.

Katuwang nila sa pag-babantay ang 100,000 mga force multipliers ka kinabibilang ng mga barangay tanod at mga private groups.

Nitong Lunes una nang itinaas ng PNP sa full alert status ang kanilang hanay para matiyak na magiging payapa ang buong panahon na pag-gunita ng Undas.

Facebook Comments