PAG GUNITA NG UNDAS SA PANGASINAN, PANGKALAHATANG MAPAYAPA

Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng Undas sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa PNP, mas mababa ang bilang ng mga dumalo sa mga sementeryo kahapon dahil sa din sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Paeng kung kaya mas minabuti ng iba na pumunta ng mas maagang petsa.
Samantala naging pahirapan naman ang pagpunta sa pinakamalaking private cemetery sa lungsod ng Dagupan dahil sa lubog sa tubig baha ang mga puntod ng umaga at kailangan pa maghintay ng hapon o low tide ang mga papasyal upang makapagsindi ng kandila.

Hindi naman nawala ang mga agaw pansin ng mga naka-costume pang halloween na nananakot sa mga dumarating na tao.
Nagpasalamat naman ang PNP Pangasinan dahil mga minor incidents lamang ang naitala at nakita. |ifmnews
Facebook Comments