Pag-hire ng DepEd ng 10,000 guro, hihindi sapat ayon sa Alliance of Concerned Teachers; Grupo, iginiit na kailangan ng karagdagang 147,000 guro sa bansa

Iginiit ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) na hindi sasapat ang pag-hire ng Department of Education (DepEd) ng karagdagang 10,000 guro upang punan ang kakulangan nito sa bansa.

Sinabi ni ACT Deputy Secretary general Dana Beltran na kailangang mag-hire ng bansa ng karagdagang 147,000 guro upang mapababa ang class size sa 35.

Ayon kay Beltran, nangangailangan ito ng 54 billion pesos na siyang magiging karapatdapat na invest para sa kinabukasan ng mga kabataan.


Dagdag pa nito, maaari itong maisagawa kung ipaprayoridad ito ng national government at tanggalin ang mga kwestiyonableng insertions sa 2023 proposed budget katulad ng pork barrel funds at confidential and intelligence funds.

Paliwanag din ng grupo, hindi na bago ang pagbuo ng 10,000 bagong teaching positions dahil ito ay nakabatay na sa taunang alokasyon ng national government sa loob ng ilang taon.

Kaya hinihimok nito na apela na doblehin ang pondo ng DepEd sa susunod na taon upang maligtas ang education system ng bansa sa pagkakalugmok nito.

Facebook Comments