Mariing kinokondena ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-recruit sa mga bata bilang “child warriors” o batang mandirigma.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – maituturing itong isang “highest form” ng ilegal na child labor.
Aniya, ginagamit ang mga bata para labanan ang gobyerno bilang bahagi ng rebelyon.
Aminado si Bello na wala silang eksaktong bilang ng child combatants sa bansa pero marami sa mga ito ay nasa Mindanao.
Samantala, kumpiyansa si Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Ma. Karen Trayvilla na makakamit nila ang target na masagip ang nasa 630,000 na mga bata mula sa child labor sa pagsapit ng 2022.
Sa datos ng DOLE nakapag-profile sila ng 85,582 child laborers sa 16 na rehiyon sa bansa.
Facebook Comments