Hinikayat ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo ang Department of Education (DepEd) na i-hire ang mga private school teachers na nawalan na ng hanapbuhay.
Sinabi ni Tulfo na batay sa tala ng DepEd ay aabot na sa 700 na private schools ang napilitang magsara dahil hindi nakapag-enroll ang kanilang mga estudyante sanhi ng kawalan ng pera at marami rin ang lumipat na lamang sa pampublikong paaralan.
Maaari aniyang gamitin ang dagdag na pondong inilaan sa DepEd sa ilalim ng Bayanihan 2 at ang pondo ng ahensya sa 2021 national budget para pansamantalang bigyan ng trabaho ang mga out-of-work private school teachers na nawalan na ng trabaho dahil sa pandemya at sa implementasyon ng community quarantine.
Dagdag pa ng kongresista, pupwedeng i-hire ng DepEd ang mga pribadong guro para makatulong sa pagpo-produce ng learning modules, magsilbing substitute teachers sa mga gurong buntis at naka-leave at magsilbing augmented o dag.