Sa layuning mas marami ang makapag-avail o makakuha ng alok na calamity loan ng PAG-IBIG Fund, maglulunsad ng Calamity Loan Mobile Servicing ang ahensya sa bayan ng Calasiao.
Sa darating na Agosto 16, 2023 magtutungo ang PAG-IBIG Fund kung saan ito ay pupwesto sa Municipal Hall Building ng bayan mula 9:00am-3:00 pm.
Hinimok ng PAG-IBIG ang mga residenteng nagtatrabaho at naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyong Egay at ng matinding pagbaha.
Layunin ng mobile servicing na ito ng ahensya ay upang mas mailapit na sa mga residente ang pag-avail sa loan na ito at agad matulungang makapag-file ng kanilang aplikasyon sa nasabing lugar.
Kailangang lamang dalhin ng mga aplikante ang mga dokumentong gaya ng Calamity Loan application na maaaring i-download sa website ng PAG-IBIG, Certificate of Net Pay o Certified 1 month payslip, kopya ng isang valid ID, kopya ng Loyalty Card Plus o Landbank Cash Card o Payroll Card.
Samantala, matatandaan na dagsa na sa mga PAG-IBIG branches ang mga taong nais makapag-avail ng loan na ito ng ahensya.
Matatandaan din na nasa P400-M ang pondo ng ahensya na maaaring ipahiram sa mga kwalipikadong aplikante. |ifmnews
Facebook Comments