Muling nahigitan ng Pag-IBIG Fund ang record nito para sa pagpapautang sa mga pabahay.
Ito ay matapos makapaglabas ng mahigit P65 bilyon ang Pag-IBIG Fund sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Mula Enero hanggang Setyembre, pumalo na sa P65.48 billion ang nailabas para sa home loans, na pinakamataas noong nine-month period.
Mas mataas din ito ng 80% kumpara sa P36.43 billion sa kaparehong panahon noong 2020, at 11.5% kumpara noong 2019.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, nangangahulugan ang datos na mas maraming manggagawang Pilipino ang nagkakaroon ng sariling tahanan.
Malaki rin ang kontribusyon nito sa muling paglago ng ekonomiya.
Sa ngayon, nasa 63,765 housing units na ang naibigay sa mga benepisyaryo ng Pag-IBIG fund sa bansa.