Iniulat ng PAG-IBIG Fund ang naipalabas nitong pondo para sa socialized home loans ng mga minimum-wage at low-income members na umabot sa 18% sa 29,310 units, simula sa Enero hanggang Abril 2022.
Ito ang kinumpirma ni Sec. Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na siya ring chairman ng 11-member PAG-IBIG Fund Board of Trustees.
Ayon kay Sec. Del Rosario, kabuuang 5,411 socialized home loans ng PAG-IBIG Fund ang natulungan ng programa na matupad ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Kinumpirma rin ng kalihim na sa P31.97 billion na pondong pinalabas ng PAG-IBIG Fund para sa housing loans ay 7% o P2.35 billion dito ang socialized home loans.
Ang PAG-IBIG Fund ay naglalayong mag bigay ng Affordable Housing Program (AHP) para sa mga miyembro na may income na P15,000 kada buwan sa National Capital Region (NCR) at P12,000 kada buwan naman sa labas ng NCR.
Sa ilalim ng AHP, ang mga miyembro ay may subsidized rate na 3% per annum para sa home loans na hanggang p580,000 sa socialized subdivision projects at p750,000 naman sa socialized condominium projects.