Pag-IBIG fund, nakapagtala ng record high home loans sa unang quarter ng 2022

Naitala ng Pag-IBIG fund ang record-high na P24.20 bilyon sa mga pautang sa bahay noong unang quarter ng 2022.

Ang naturang pautang sa bahay na inilabas ng ahensya ay nakapagbigay-daan sa 22,210 miyembro nito na magkaroon ng sariling tahanan.

Dagdag pa, kabuuang P1.78 bilyon din ang nailabas ng Pag-IBIG fund bilang socialized home loan na nakinabang ang 4,114 miyembro nito.


Samantala, ayon kay Pag-IBIG fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, ang performance ng ahensya sa pagsisimula ng taon ay pagpapatuloy ng record-high achievement nito noong 2021 nang lumagpas ang ahensya sa P100 bilyon na inilabas na home loan.

Facebook Comments