Pag-IBIG Fund, nanindigan sa pagpapaliban sa planong pagtaas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito

Muling inanunsyo ng Pag-IBIG Fund na sa susunod na taon na lamang nila itutuloy ang planong pagtaas sa monthly contribution sa ₱150 mula sa kasalukuyang ₱100.

Iginiit ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ito ay bilang tulong na rin sa mga miyembro at sa employers lalo na’t maraming mga negosyo ang hindi pa nakakabawi dahil sa pandemya.

Bunga nito, sa January 2022 na lamang ipapatupad ng Pag-IBIG Fund ang ₱150 monthly contribution.


Layon ng planong pagtaas ng ₱50 sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro na maabot ang demand ng loans at mapanatili ang mababang interes sa mga pautang.

Una na ring kinonsulta ng Pag-IBIG Fund ang labor at employer groups sa nasabing plano.

Facebook Comments