Pag-IBIG Fund, pinadali pa ang proseso sa pagkuha ng housing loan

Manila, Philippines – Mas pinadali pa ng Home Mutual Development Fund o Pag-IBIG Fund ang proseso sa pagkuha ng housing loan at iba pa.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Public and Media Affairs Department Manager III Domingo Jacinto Jr. – tamang panahon ito para kumuha ng home loan.

Sa kasaysayan, pinakamababa ang hatid nilang interes para sa mga kukuha ng regular at socialized home loan program.


Kapag socialized home loan, 3% lamang ang interes per annum at maaaring makahiram ng hanggang ₱580,000.

Sa ilalim naman ng regular, 5.735% ang interes per annum kung saan may one-year repricing period at maaaring humiram ng hanggang anim na milyong piso.

Madali ang pag-a-apply dito basta kwalipikado.

Facebook Comments