Pormal nang inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang kanilang virtual mobile app.
Gamit ang mga mobile phone, maaari nang gawing online ng mga Pag-IBIG member ang kanilang mga application para sa housing at cash loans at sa kanilang mga online payment.
Sa pamamagitan ng mobile app, maaari nang ma-monitor ng mga miyembro ang kanilang savings, mga annual dividend, payments history at ang mga loan balance at due.
Mismong si Pag-IBIG Fund CEO Marilen Acosta ang nagpakita kung paano mag-log in at i-navigate ang virtual Pag-IBIG app.
Ani Acosta, isa lang ito sa mga innovation bilang tugon sa nais ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing accessible sa mga miyembro ang mga serbisyo ng Pag-IBIG Fund.
Ani Acosta, inilunsad nila ang kanilang virtual Pag-IBIG Mobile App kasunod ng matagumpay na pagka-develop ng kanilang online service facility.
Sa pamamagitan ng virtual Pag-IBIG, mas magiging convenient at mabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga miyembro nito.
Tiniyak naman ng Pag-IBIG na protektado ang mga data ng mga miyembro at ma-access lang ito gamit ang virtual Pag-IBIG accounts.