Tiniyak ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund na ang mga ipinapatupad nilang polisiya ay para mailayo ang kanilang mga miyembro sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.
Ito ay bilang mandato na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Dahil dito, ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario, binigyan pa nila ng isang taon palugit ang kanilang mga borrowers para i-update ang kanilang accounts.
Maaari rin silang magbigay-tulong sa mga home loan borrowers na naapektuhan ng pandemic sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund Loan Restructuring and Penalty Condonation Program
Nabatid na sa unang kalahating taon ng 2020, umabot na sa ₱15 bilyon ang naging kabuuang loan payments ng Pag-IBIG sa kanilang 4.77 milyong borrowers.