Pag-IBIG, may alok na calamity fund sa mga naapektuhan ng Bagyong Rolly

Inihahanda na ng Pag-IBIG ang ₱4.4 billion na halaga ng calamity loans na kanilang ipapautang sa mga miyembro nitong nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

Sa presscon kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang mga eligible members ay maaaring makapangutang ng hanggang sa 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG regular savings.

Una nang sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Eduardo del Rosario, na maglalagay sila ng service desks sa mga apektadong lugar ng sa ganoon ay hindi na mahirapan pa ang ating mga kababayan sa pag-aapply ng calamity loan.


Kabahagi rin aniya ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaloob ng social benefits lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang mga kwalipikadong borrowers ay maaaring mag-avail ng calamity loan sa loob ng 90 araw mula nang ideklara ang state of calamity sa kanilang lugar.

Facebook Comments