Pag-IBIG members na nakapangutang sa gitna ng COVID-19, umabot sa 300,000

Umabot na sa 300,000 na Pag-IBIG members ang nabenipisyuhan ng three-month moratorium sa loan payments ng ahensya.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, ang moratorium na sakop ng bayad simula Marso 16 hanggang Hunyo 15, 2020 ay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na magbigay ng relief sa mga miyembro nito sa panahon ng pandemya.

Maliban dito, pansamantala ring itinigil ang pagbabayad ng mahigit P15 bilyong loan payments ng magbigay ito ng automatic grace period sa lahat ng 4.77 milyong humiram ng pera na nasailalim ng Bayanihan to Heal as One Act.


Facebook Comments