Pag-IBIG, naglunsad ng online application para sa ilang kukubra ng hulog

89

Umarangkada na ang online application ng Pag-IBIG fund para sa mga miyembro nitong nais kumubra ng kanilang claims.

Ayon sa Pag-IBIG, puwedeng kubrahin ng miyembro ang lahat ng kaniyang hulog kung may 20 taon o kaya 240 monthly contributions.


Optional withdrawal naman kung dire-diretso nang naghulog sa loob ng 15 taon o tumuntong na ng 65 anyos.

Bukod dito, naglunsad din ang Pag-IBIG ng virtual portal para sa mga employer para mapadali ang pagkuha ng loan ng empleyado online.

Facebook Comments