Pag-iiba sa mga pangalan ng mga singer at personality sa Pilipinas, trending ngayon sa social media

67

Trending ngayon sa social media ang mga nakatutuwang pampa-good vibes ng mga netizens sa mga pangalan ng iniidolong singer at personalidad sa Pilipinas na tanging isang salita lamang ang mayroon.

Nagsimula itong mag-trending matapos ang concert ni Nina – ang Soul Siren ng Pilipinas.


Tanong ng mga netizens, ano nga ba ang kumpletong pangalan ni Nina at iisang salita lamang ang itinatawag dito.

Dahil dito, tanging “wrong answers” lamang ang sinagot ng mga netizens na labis na nagbigay aliw sa lahat.

Ilan sa mga sagot ay ang Nina Live, Bo’nina Brown, Nina Cao, Nina Moran, Nina Kawan, Nina Natuto at iba pang nakakaaliw na salita.

Hindi naman nakaligtas ang mga singer na sina; Jaya, Kyla, Sitti, Karylle at maging si Dulce sa mga paandar ng netizens.



Ilan sa mga dinugtong sa kanilang pangalan ay ang; Jaya Tabs, Kyla Jenner, Sitti ngayong pasko, Karyllelasyon at Dulce Amor.


Facebook Comments