Manila, Philippines – Pumalo sa 200.5 billion pesos ang kabuuang koleksyon
ng Social Security System para sa taong 2017.
Mas mataas ng 5.6 percent sa target na 189.79 billion pesos.
Ito ayon kay SSS President at CEO Emmanuel Dooc, ay resulta sa mas
pina-igting na kampaniya ng SSS para mapatas ang koleksyon ng ahensya.
Ayon kay Dooc, ang 2017 collection ay mas mataas rin kumpara sa 144. 26
billion pesos noong 2016.
Kaugnay nito, tiniyak ni Dooc na mas pag-iigihin pa nila ang kanilang
kampaniya sa mga SSS members upang maghulog ng kontribusyon, para na rin sa
kanilang benepisyo.
Facebook Comments