Pag-iikot ng Radyo Trabaho team para sa BisekleTrabaho Year 3 promo: Anibersaryong handog ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, magsisimula na ngayong araw!

Ngayong araw magsisimulang mag-ikot ng team ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho para sa pamamahagi ng raffle coupon sa mga masisipag na manggagawa sa iba’t ibang terminal ng jeep at train station sa Metro Manila.

Ito ay para sa tyansang manalo sa ating BisekleTrabaho Year 3 promo; anibersaryong handog ng inyong RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at 69th Founding Anniversary ng RMN.

Bukod sa team na mag-ikot ay mamimigay rin ng raffle coupon ang ating roving reporters sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila.


Samantala, pwede rin sumali sa pamamagitan ng online kung saan kailangan mo lang mag-comment sa RMN DZXL 558 Manila Facebook page kung bakit ikaw ang dapat manalo sa BisekleTrabaho promo.

Kung wala ka naman pang-internet, maaring tumawag sa 8882-2374 sa programang Usapang Trabaho mula alas-11:00-12:00 ng tanghali at sa Centro Serbisyo sa Hapon tuwing alas-2:30-4:00 ng hapon.

Nakatakdang i-draw sa Biyernes, August 27 ang BisekleTrabaho Year 3 promo sa Usapang Trabaho program.

Tutok na at sumali!

Facebook Comments