Pag-iikot sa mga palengke, isinasagawa na ng DA kasama ang DTI at PNP dahil sa posibleng pagmamanipula ng presyo ng bigas kasunod ng ipinatupad na import ban

Mahigpit na mino-monitor ng Department of Agriculture o DA ang posibleng pananamantala ng mga negosyante sa suspensiyon ng rice importation na epektibo noong Lunes.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, nagsasagawa na ang mga ito ng serye ng market rounds kasama ang Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP) at local government units.

Patuloy rin aniya ang isinasagawa nilang konsultasyon sa mga rice importer, retailers at iba pang stakeholders para maiwasang maabuso ang importation ban at price manipulation.

Sa kanilang monitoring wala pang pagbabago sa presyo ng local rice.

Maliban dito, maganda rin aniya ang stock inventory ng bigas sa kasagsagan ng suspensiyon ng importasyon ng bigas.

Facebook Comments