Pag-iimbestiga kay Del Rosario hinggil sa Panatag Standoff, suportado ni Sec. Locsin

Suportado ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang suhestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa nangyaring standoff sa Scarborough o Panatag Shoal noong 2012.

Matatandaang inatasan ang Philippine Navy vessel na BRP Gregorio del Pilar na umalis sa nasabing bahura at pinabayaang manatili ang mga barko ng China doon.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na mahalagang malaman kung dapat bang managot si Del Rosario sa pag-alis ng mga barko ng Pilipinas sa Panatag Shoal.


Una nang sinabi ni Del Rosario na ang China mismo ang lumabag sa United States brokered agreement kung saan inaatasan ang lahat ng barko ng Pilipinas at China na umalis sa Panatag Shoal.

Facebook Comments