Tiniyak ng malakanyang na walang makapipigil sa Kongreso sa oras na magdesisyon itong imbestigahan ang OCTA Research Group “in aid of legislation.”
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung kinakailangan na magkaroon pa ng congressional probe sa OCTA Research, na nag-ulat ng COVID-19 situation ng bansa batay sa data mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Roque, may kapangyarihan ang Kongreso upang magsagawa ng imbestigasyon.
Habang nasa mga kongresista rin ang desisyon at hindi na mangingialam dito ang malakanyang.
Nabatid na batay sa ulat, iimbestigahan ng House of Representatives ang independent research group na OCTA, para sa mga datos at rekomendasyon nito laban sa COVID-19 na madalas gamitin ng media para sa mga ulat nito.
Sa ilalim ng House Resolution 2075, ang inquiry ay pangungunahan ng committee on good government and public accountability.