Pag-iimbestiga ng Senado sa troll armies, welcome sa Malacañang

Malaya ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon sa mga ulat na ginagamit ang pondo ng bayan para bayaran ang “troll farms” na nagpapakalat ng misinformation sa social media.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos isiwalat ni Senator Panfilo Lacson na may isang undersecretary na naghahanda ng troll farms para sa nalalapit na 2022 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, welcome sa kanila ang hakbang ng Senado.


Nakiusap na rin si Roque sa Upper Chamber na isama sa kanilang pagsisiyasat ang mga umaatake sa kanya sa Facebook, tadtad kasi aniya ng negatibong komento.

Naniniwala si Roque na organized ang mga bumabanat laban sa kanya.

Facebook Comments