Hinimok ng grupo ng mga agricultural stakeholders ang pamahalaan na bawasan muna ang pag-a-angkat ng bansa ng mga produktong agrikultural.
Ito ay dahil na rin sa humihinang halaga ng piso kontra dolyar na dahilan upang bayaran ng mas mahal ang ina-angkat na mga produkto.
Ayon sa Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), United Broiler Raisers Association (UBRA) at Tugon Kabuhayan, hindi pabor ang gobyerno sa mahinang piso dahil umaasa ang Pilipinas sa imported goods mula sa langis hanggang sa finished agri-products.
Bukod dito ay apektado rin ang sektor ng agrikultura dahil sa mahal na presyo ng mga pataba at raw material sa international market.
Kaugnay nito, nanawagan ng suporta ang mga local producer sa pamahalaan at isang paraan na nakikita nila ang pagbabawas sa pag-angkat ng mga agricultural product.