Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumili ng mga malalaking kagamitan para palalimin ang mabababaw na ilog sa bansa sa 2025.
Ayon sa pangulo, ilan sa mga bansang pwedeng mapagkukunan ng heavy equipment para sa paghuhukay ay ang bansang Taiwan at China.
Ito’y kasunond ng pinsalang iniwan ng Bagyong Julian sa malaking bahagi ng Hilagang Luzon kung saan ay umapaw ang tubig sa ilog na nakadagdag para masira ang mga dike.
Itinuro ring sanhi ng pangulo ang pagiging mababaw ng mga ilog ang pinag-ugatan ng mga pagbaha at pinsala sa kanyang home province, kabilang na ang nasirang gabu dike.
Sa ngayon makikipag-usap aniya ang pangulo sa malalaking kumpanya sa bansa gaya ng San Miguel Corporation para mailagay muna sa Ilocos Norte ang ilang equipment nito sa lalawigan.