Naniniwala si presidential aspirant at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ang pondo ay manggagaling sa ibaba upang maiwasan ang korapsyon partikular na tinukoy nito ang kickback ng ilang mga nakikinabang nito.
Ayon kina Lacson at Sotto, walang dapat mag-angkat ang gobyerno ng mga produktong agrikultura dahil sobra sobrang mga palay, mais, gulay at iba pang mga produktong agrikultura.
Sa isinagawang proclamation rally sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, sinabi ni Lacson na dapat ay walang dis-connect para tuluyang mapunta ang pondo direkta sa mga magsasaka dahil malaki ang nawawala sa kaban ng gobyerno dahil lamang sa korapsyon.
Una rito, binanggit ni vice presidential aspirant at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na umaabot sa P700 bilyon ang nawawala taon-taon dahil sa korapsyon at kung napupunta lamang umano sa taumbayan ang pondo nang maayos ay marami ang magiging libre kabilang ang gamot, hospital, kuryente at marami pang iba.