Pag-iimpose ng panibagong price cap sa karneng baboy at manok, pinag-aaralan na pamahalaan

Muling pag-aaralan ng pamahalaan kung magi-impose ng panibagong price cap sa presyo ng karneng baboy at manok sa Metro Manila.

Ito ay sa harap narin ng nakatakdang mapasong Executive Order No. 124 sa unang linggo ng Abril, na nagi-impose ng 60 days price ceiling sa karne ng baboy sa NCR sa gitna na rin ng kakulangan sa supply bunsod ng African Swine Fever.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, sa kabila nang kakulangan ng suplay ng karneng baboy sa kalakhang Maynila gumagawa ng iba’t ibang paraan ang Department of Agriculture upang mapunan ang kakulangan ng supply nito, kabilang ang transport subsidy na ibinibigay sa mga magbababoy sa Visayas at Mindanao, upang madala sa NCR ang kanilang supply ng baboy.


Nariyan din ang pagsusulong ng surplus production sa dalawang rehiyon, upang maipadala rin sa Metro Manila ang mga sobrang supply ng baboy mula sa dalawang rehiyon.

Habang patuloy rin ang monitoring at pagtitiyak na nasusunod ang umiiral na price cap sa kasalukuyan.

Facebook Comments