Manila, Philippines – Ipinagpapatuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng balotang gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabatan Elections.
Ito’y sa kabila ng pag-apruba ng Kamara ng pagpapaliban sa election.
Giit ng poll body, wala pang binuong batas para ganap na ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon.
Aabot sa 13 milyong balota ang naimprenta mula sa kinakailangang 60 milyon para sa halalan.
Kasabay nito, inihahanda na ng komisyon ang mga ballot boxes at mag-oorganisa ng training para sa board of election tellers at barangay board of canvassers.
Facebook Comments