Pag-iimprenta ng mga bagong balota, isasagawa ng COMELEC

Inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) na muli silang mag-iimprenta ng ilang balotang gagamitin para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay makaraang maging lungsod na ang ilang dating munisipalidad sa bansa.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na-imprenta na ang ilang balota bago pa man naging lungsod ang ilang munisipalidad tulad ng Baliwag sa Bulacan, Calaca sa Batangas, at Carmona sa Cavite.


Maging ang mga balotang gagamitin sa mga barangay na nabago ang estado tulad sa isyu ng Makati at Taguig City ay kanila na rin pinaghahandaan.

Hindi naman idinetalye ni Garcia kung gaano karami ang balotang kailangang iimprentang muli.

Matatandaan na una nang nagkasa voting simulation ang COMELEC na idinaos sa ilang mga mall sa Maynila.

Base sa datos ng COMELEC, mayroong 92 milyong botante sa bansa, habang 68 milyon ang nakatakdang bumoto sa barangay elections at 24 milyon ang boboto para sa SK elections.

Facebook Comments