Manila, Philippines – Target ng Commission on Elections (COMELEC) na masimulan na sa ikalawang linggo ng Enero ang pag-iimprenta ng mga balota para sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, mahigit 60 milyong balota ang kailangang maimprenta.
Hinihintay na lamang ng COMELEC na maaprubahan ng Commission en Banc ang pinal na listahan ng mga kandidato para masimulan na ang pag-iimprenta sa mga official ballot.
Sa ngayon ay abala pa aniya ang poll body sa pagtukoy sa mga kandidato na hindi na kwalipikado para tumakbo sa eleksyon tulad ng mga napatawan ng pinal na parusa para sa kasong kriminal at mga napatawan ng disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Facebook Comments