Pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan, halos 80% nang tapos

Mga balota sa Metro Manila at iba pang rehiyon na lamang ang hindi pa naiimprenta ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – halos 50 milyong balota na ang naimprenta mula sa higit 63 milyon na kailangan gamitin para sa May 13 midterm elections.

Aniya, nasa 77.86% nang kumpleto at nasa higit 14 na milyong balota na lamang ang kailangang i-imprenta.


Ang pagpapadala naman ng mga balota at iba pang election paraphernalia ay nakatakdang simulan sa susunod na buwan.

Inaasahang matatapos ng Comelec ang ballot printing pitong araw na mas maaga sa target completion date na April 26.

Nabatid na nagsimula ang National Printing Office (NPO) ng pag-iimprenta ng mga balota noong February 9.

Facebook Comments