Manila, Philippines – Aakyat na sa massive phase ang ballot printing ng National Printing Office (NPO) at COMELEC para sa 64 milyong balota na gagamitin sa midterm elections sa Mayo.
Kasunod ito ng isinapublikong hitsura ng balota para sa iba’t-ibang siyudad, bayan at probinsya.
Ayon kay COMELEC Printing Committee Head Maria Victoria Dulcero – isang milyong balota kada araw ang target nilang mailimbag para masigurong makukumpleto ito pagsapit ng Abril.
Isasalang din sa test ang mga balota kung gagana ang security features ng mga ito.
Pagkatapos nito, susubukan ding ipasok ang balota sa Vote Counting Machines (VCM) para malaman kung tatanggapin ito ng makina.
Sa paraang ito ay malalaman kung talagang mabibilang ang boto na itatala sa mga balota sa araw ng eleksyon.