Pag-iimprenta ng national ID card, pinamamadali na ni Pangulong Marcos Jr.; pangulo, nais niyang magamit na ng mga Pilipino ang national ID sa susunod na taon

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gamitin ng mga Pilipino ang kanilang national identification card (ID) sa susunod na taon.

Inilabas ng pangulo ang pahayag isang araw matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kung saan tinalakay ang naturang usapin.

Ayon kay Marcos Jr., pinapabilis na niya ang pag-imprenta ng national ID ng mahigit 50 milyong upang magamit na ng mga Pilipino simula sa unang bahagi ng taong 2023.


Kaugnay nito, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa Malacañang press briefing na mahalaga ang national ID kaya pinapabilis na ng pangulo ang pag-imprenta dahil bahagi ito ng plano ng pamahalaan para sa pagbangon at pagsigla ng ekonomiya.

Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong Pebrero ay mahigit 55 milyong Pilipino ang nakapagparehistro sa national ID system, pero 6 milyon pa lamang ang nailabas sa ngayon.

Matatandaang, nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang Philippine System Identification Act (PhilSys Act) na nag-uutos sa gobyerno na lumikha ng isang opisyal na identification card para sa lahat ng mga mamamayan at dayuhang residente upang magkaroon ng iisang national identification number para sa lahat ng kanilang mga transaksyon sa pamahalaan.

Facebook Comments