Pag-iimprenta sa mga balotang gagamitin sa May 9 elections, halos 95% nang tapos

Malapit nang matapos ang pag-imprenta sa mga balotang gagamitin sa darating na May 9 national and local elections.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nasa 63.85 milyong balota o katumbas ng 94.68% ng 67.44 milyong kinakailangang balota ang naimprenta na.

Aabot naman sa 178,990 ang bilang ng depektibong balota na nakatakdang sunugin.


Samantala, inaprubahan ng COMELEC ang aplikasyon ng aabot sa 84,221 indibidwal sa kabuuang 93,567 na berepikadong aplikante para sa local absentee voting (LAV).

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, hindi naaprubahan ang 9,346 applicants bunsod ng hindi pa rehistrado ang mga ito kung saan hindi pa bumoto bilang local absentee voter o di kaya naman ay deactivated na dahil hindi nakaboto sa dalawang magkakasunod na eleksyon.

Pinakamaraming aplikante ng local absentee voting ay mula sa hanay ng Philippine National Police, Philippine Army at Philippine Air Force na inaasahang magiging abala sa araw mismo ng halalan.

Facebook Comments