PAG-IINGAT NG MGA MOTORISTA, MULING IGINIIT NG LTO RO1 NGAYONG ROAD SAFETY MONTH

Muling iginiit ng Land Transportation Office Regional Office 1 (LTO RO1) ang pag-iingat ng mga motorista sa gitna ng kakalsadahan ngayong Road Safety Month.
Inihayag ni Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez na ang kaligtasan sa gitna ng kalsada ay nag-uumpisa sa indibidwal na responsibilidad.
Iginiit din nito na huwag pilitin bumyahe kung inaantok at laging maging alerto sa paligid.
Ani naman ni Assistant Regional Director Engr. Eric C. Suriben, pinakaprayoridad ang pagpapahinga ng mga drayber lalo tuwing nasa mahabang byahe tulad ng bakasyon at pag-uwi.
Sa ilang napapaulat na aksidente sa kalsada nitong mga nakaraang araw, dapat na pakatandaan ng mga motorista ang kanilang responsibilidad at mga batas trapiko na dapat sundin.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments