Pinaalalahanan ni Deputy Speaker Loren Legarda ang ibayong pag-iingat pa rin ng mga guro at mga estudyante sa mga paaralan na kabilang sa limitadong face-to-face classes.
Ang paalala ng kongresista ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng COVID cases sa Europa matapos buksan sa publiko ang mga paaralan, mga establisyemento at mga pasyalan doon.
Nababahala ang lady solon na matulad ang Pilipinas sa Europa na biglang taas ng kaso ng COVID-19 matapos na magluwag ang pamahalaan doon sa pinapatupad na health protocols.
Dahil dito, hindi aniya dapat magpakampante ang mga school personnel, guro, mga magulang at mga estudyante.
Giit ng mambabatas, dapat pa ring magpatupad ng mahigpit na health protocols sa mga paaralan para maiwasan na malusutan ng virus ang mga kabataang estudyante.