Matapos ang Pasko at Bagong Taon, marami sa atin ang kumakain pa rin ng mga natirang handa tulad ng spaghetti, pancit, at lechon na itinabi sa refrigerator.
Dahil dito, nagbabala ang mga health expert na ang maling pag-iimbak at matagal na pagkakaluto ng pagkain ay maaaring magdulot ng food poisoning.
Ilan sa mga sintomas nito ang pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, at lagnat. Paulit-ulit namang paalala ng Department of Health ang wastong pag-iimbak, sapat na pagpapainit, at agarang pagtatapon ng pagkain kapag may senyales ng panis o kakaibang amoy.
Ayon sa isang health expert na nakapanayam ng IFM News Dagupan, mas ligtas ubusin ang tira-tirang pagkain sa loob ng 24 hanggang 48 oras at iwasan ang paulit-ulit na pagpapainit.
Sa huli, hinihikayat ang publiko na unahin ang kalusugan at maging responsible sa pagkain ng mga natirang handa upang maiwasan ang sakit matapos ang masayang selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










