Manila, Philippines – Dapat nang pag-isahin ang sistema ng traffic violation ticketing sa bansa.
Ito ang paniniwala ng pamunuan ng PNP HPG, isa sa mga ahensya na nasa ilalim ng Inter Agency Council on Traffic o I-ACT.
Ayon kay Police Chief Superintendent Arnel Escobal, director ng HPG, hindi man direktang makatutulong ito upang lumuwag ang daloy ng mga sasakyan, pero mas mapapadali ang trabaho ng mga ahensya na nangangasiwa sa trapiko.
Aniya tanging ang Traffic Code of the Philippines ang dapat na gagamitin.
Sa ngayon ayon sa opisyal ay may kaniya-kaniyang Traffic Violation Receipt o TVR ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng I-ACT.
Hiwalay pa ito sa mga LGU sa Metro Manila dahil may sarili silang ordinansa sa traffic.
Sa kasalukuyan aniya ay kumikilos na ang Kongreso para ito ay tuguanan.
Kahapon ay lumagda sa MOA ang HPG at UP Center for Transportation Studies para isalang sa panibagong pagsasanay ang mga tauhan ng HPG sa kursong traffic management.